1,189

By

Autoshop sa EDSA, binulabog ng sunog

Makapal na usok ang matatagpuan sa EDSA malapit sa kalsada ng Connecticut nitong Lunes bandang alas-11 ng tanghali.

Batay sa mga kuhang video ng netizen, kita ang kapal ng usok na sinasabing nagmula sa pagliyab ng Autoplus shop sa nasabing lugar.

Ayon sa report ng GMA News, nasa bisinidad na ang mga bumbero para apulahin ang sunog.

Hindi pa tiyak ang naging sanhi ng nasabing sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?