362

Sep 22, 2021 @ 13:41
By

Autopsy kay Bree Jonson tapos na

Sinabi ni Police Regional Office 1 Brigadier General Emmanuel Peralta na tapos nang imbestigahan ng kapulisan ang bangkay ng nasawing artist na si Bree Jonson.

Ani Peralta, kahit tapos na ang autopsy ay kailangan pa nitong dumaan sa histopathological examination upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

“Pero may isa pang exam yung, histopathological exam. Pag-examine ng organs niya para malaman ang cause of death niya,” aniya.

Nito lamang Sabado nang matagpuang wala ng buhay ang 30 anyos na artist sa isang resort sa San Juan, La Union.

Ayon sa ulat, huling nakasama ng bebot si Julian Ongpin na siyang anak ni business tycoon Bobby Ongpin.

Batay sa naunang report, nasamsam ang mahigit 12 gramo ng cocaine sa hotel na tinuluyan ng dalawa sa Elyu na siyang pagmamay-ari umano ni Julian.

Nito lamang Linggo nang madakip siya ng mga awtoridad ngunit agad din umano itong pinalaya. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?