65
ABANTE judicial and bar council jbc
By

Automatic inclusion sa 5 justices sa pagka-CJ, isasalang sa deliberasyon

Nakatakdang talakayin ng Judicial and Bar Council (JBC) kung awtomatikong isasama sa shortlist para sa posisyon ng Chief Justice ang limang most senior justices ng Korte Suprema.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ex-officio member ng JBC, sa Biyernes ay isasalang ng konseho sa deliberasyon ang panuntunan kaugnay sa automatic inclusion sa maikling listahan ng limang most senior justices ng Korte Suprema.

“The JBC will still decide whether to reconsider the rule on automatic inclusion of the five most senior associate justices in the shortlist for the Chief Justice position, that is, whether or not they consent to the nomination,” saad ni Guevarra.

Ang limang most senior justices ay sina Acting Chief Justice Antonio Carpio at Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Teresita Leonardo de Castro, Diosdado Peralta, at Lucas Bersamin.

Bagama’t sila ay awtomatiko nang nominado, kinakailangan muna nilang pormal na tanggapin ang kanilang nominasyon para maging opisyal na aplikante.

Opisyal nang binuksan ng JBC ang aplikasyon at nominasyon para sa susunod na chief justice noong Hunyo 26, at ito ay tatagal hanggang Hulyo 26.

Ang paghahanap sa susunod na punong mahistrado ay kasunod ng naging pinal na pasya ng Korte Suprema na nagpatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa puwesto sa pamamagitan ng pagpabor sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?