125

Sep 8, 2021 @ 16:43
By

Automatic Centre tigil operasyon na sa October

Isasara na ang retail shops ng kilalang bilihan ng appliances sa bansa, ang Automatic Centre, simula sa October 10, 2021.

Kinumpirma ni Automatic Centre president and CEO Geoffrey Lim sa mga partners ng kompanya ang plano.

Sinabi niyang opisyal nang isasara ang retail shops sa susunod na buwan dahil sa sunod-sunod na hamong hatid COVID-19 pandemic at hindi na nito kinaya.

“The COVID-19 pandemic has caused tremendous challenges on our business and it is with much regret and trepidation that we share this news with you today,” sabi ni Lim.

May 20 shops ang Automatic Centre sa Metro Manila at 1948 pa ito itinayo.

Gayunman ay siniguro ni Lim na kikilalanin nito ang mga obligasyon nito sa mga partners at makikipag-ugnayan para matiyak na maayos ang transition bago tuluyan nang isara ang shop.

Nagpahiwatig si Lim na handa silang ipa-ampon ang magandang pangalan ng Automatic Centre sa mga interesadong gamitin ito para mapanatiling buhay ang alaala nito.

Ipinaabot din ni Lim ang pasasalamat at ng kanyang pamilya sa suportang ibinigay ng kanilang mga partners sa mahigit na pitong dekada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?