35

Dec 13, 2017 @ 17:48
By

Automated system sa mga kargamento, sinimulan na ng MICP

Sa hangad na mawaksi ang katiwalian, sinimulan nang ipatupad ng Manila International Container Port (MICP) ang Entry Status Verification System (ESVS).

Ang ESVS ay isang automated na sistema kung saan ang entries ay awtomatiko nang ina-assign sa mga examiner at appraiser ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa BOC, sa pamamagitan ng ganitong sistema, mas mapapadali ang pagproseso sa clearance ng mga kargamento at maiiwasan na ang harapang pakikipag-ugnayan sa mga broker.

Kaugnay nito, dalawang terminal sa MICP ang inilaan para sa mga stakeholder kung saan maaari ring masilip ang estado ng mga entry declarations.

Limang monitor ang inilagay sa MICP para makita ng mga stakeholder ang update sa kanilang kargamento.

Inilunsad ang ESVS katuwang ang BOC-Management Information Systems and Technology Group. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?