37

Oct 22, 2017 @ 13:47

Automated election system, baguhin

Para matiyak na 100 porsiyentong pagmamay-ari ng Pilipino ang gagamiting teknolohiya sa electronic voting, ipinababago ni Buhay Rep. Lito Atienza ang automated election system(AES)

Giit ni Atienza, ngayong nakatakdang magtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong chairman ng Commission on Elections (Comelec), dapat namang magkaroon din nang pagbabago sa sistema ng computerized elections para Pilipino ang magsilbing technology and services provider.

Mas mainam aniyang payagan ang mga Pinoy sa pagpapatakbo ng AES at hindi ang mga dayuhan.

“Indeed, we find it ironic that while we’ve prohibited aliens fromgaining control of the nation’s highly sensitive sectors such as mass media, telecommunications and schools, we’ve surrendered to a large degree our far more delicate AES to a foreign body,” sabi ni Atienza.

Simula 2010, ang AES ng Pilipinas ay pinatakbo ng Smartmatic International Corp., isang solutions contractor na naka-base sa London, United Kingdom ay pagmamay-ari ng mga Venezuelan.

Samantala, nanawagan naman si Atienza para sa mas malakas na safeguards laban sa pandaraya ng Precinct Count Optical scanners o PCOS machines. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?