54

Jul 15, 2018 @ 18:15
By

Austria, San Miguel diktador sa Alaska

Tagumpay ang San Miguel Beer at si coach Leo Austria sa layunin na maunahan ang Alaska sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup 92-79 sa MOA Arena Sabado ng gabi.

Ngayon ay diktado na ng Beermen ang tempo, nasa kampo ng Aces ang pressure para itabla ang best-of-five series sa Game 2 sa Hulyo 16 sa Smart Araneta Coliseum.

“In any series, it’s always important to win Game 1,” bungad ni Austria matapos tuhugin ang panlimang sunod na panalo kontra Alaska sa playoffs. “We wanted to win the game to dictate the tempo and for them to think hard for their adjustment.”

Hindi na nga kinailangan ni Austria na humukay ng malalim sa kanyang bench, siyam na players lang ang ginamit. Bukod sa kanyang Super Five na sina Renaldo Balkman, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Chris Ross at Alex Cabagnot, hugot niya lang sina Christian Standhardinger, Arwind Santos, Bryan Heruela at Kelly Nabong. Sa siyam ay si Heruela lang ang hindi umiskor.

May double-double sina Fajardo (17 points, 11 rebounds) at Balkman (13 points, 11 rebounds), umayuda ng 15 si Cabagnot, may tig-12 sina Lassiter at Santos. Si Nabong ay naka-11 points din at siyam mula sa galing injury na si Standhardinger, lahat sa second quarter nang kumalas ang Beer. May five rebounds at tig-isang assist at steal pa ang Fil-German sa loob lang ng 11 minutes.

“We still need two more (wins),” giit ni Lassiter, instrumento nang bumuka sa 61-52 ang lead ng SMB sa third. “We’re gonna take care of things, and we’ll play with more energy.”

Nag-deliver si Diamon Simpson ng 31 points at 24 rebounds, naigapos ng Beermen si Vic Manuel na nagkasya lang sa 16 points nang maputol ang streak na 11 games na may 20 points o higit pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?