125

Jul 30, 2018 @ 16:45
By

Austria pinuri ni Jawo sa pagresbak sa Game 2

Nakatanggap ng magagandang salita si SMB coach Leo Austria mula kay “The Living Legend” Robert Jaworski Sr., matapos makabawi ang San Miguel mula sa pananambak ng Ginebra, sa Game Two ng PBA Commissioner’s Cup Finals kagabi.

Nagkasalubong sina Austria at Jawo nang palabas na sana ng Smart Araneta Coliseum ang huli matapos tambakan din ng Beermen ang Gin Kings, 134-109, sa Game Two.

Nagkamay ang dalawa at nagbulungan ng magagandang salita sa isa’t isa bago nagtapikan sa kani-kaniyang balikat saka naghiwalay.

Pero ano nga ba ang sinabi ni Big J kay Austria?

“Sabi niya lang sa akin very good adjustment,” ani Austria. “He saw the big adjustment na ginawa ko daw (for Game 2).” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?