37
Austria nabunutan ng tinik sa Phoenix
By

Austria nabunutan ng tinik sa Phoenix

Sa panlimang sunod na taon, balik sa pamilyar na teritoryo ang San Miguel Beermen – sa Finals ng PBA Philippine Cup.

Sa unang apat na sampa doon, walang nakapigil sa Beer sa pagtaas ng tropeo, huli ang Magnolia noong isang taon.

Tinapos ng San Miguel ang top seed Phoenix sa limang laro sa semifinals, huli ang 105-94 panalo sa Cuneta Astrodome Huwebes ng gabi.

“We’re grateful to be back in the Finals again,” bulalas ni coach Leo Austria. “Before the game, all we need was just a good start, and it just happened.”

Sina Chris Ross at Alex Cabagnot ang bumuhat sa Beermen sa umpisa ng laro, lumayo ng hanggang 25 sa third bago sinalag ang matinding rally ng Fuel Masters sa dulo.

Tanging mas maraming consecutive trips sa finals ang Purefoods franchise, naka-pitong sunod noong 1988-1994.

Mula 72-47 deficit, binalik nina Matthew Wright at LA Revilla ang Phoenix. Napigil lang ang momentum ng Fuel Masters nang matawagan ng offensive foul si Revilla habang pa-drive.

Huling dumikit ang Phoenix 98-94 sa basket ni Wright mula sa assist ni Revilla 2:38 sa orasan pero ‘yun na ang huling puntos nila. Inilayo ng jumper ni Terrence Romeo ang SMB sa anim, bago sinelyuhan nina Arwind Santos, June Mar Fajardo at Alex Cabagnot sa stripe ang panalo.

“We thought they will give up already,” dagdag ni Austria. “Human tendency, so nag-relax kami. Until we felt the pressure and that’s the time na nakahabol sila.”

Tumapos si Ross ng game-high 24 points mula sa 5 for 12 shooting sa 3-point range, may 6 steals pa at 4 assists. Nagliyab din ng 5 for 7 mula downtown si Cabagnot tungo sa 22 points. May double-double sina Fajardo (17 points, 16 rebounds) at Santos (13 at 11).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?