17
Standhardinger2
By

Austria hindi nababahala sa malamig na panimula

Sharing is caring!

Aminado si coach Leo Austria na wala pa sa tamang porma ang kanyang San Miguel Beermen, ipinagkibit-balikat din nito ang kulang sa angas na debut game ng kanyang prized rookie na si Christian Standhardinger.

“We’re not yet in game shape, eh, which is very evident,” lahad ni Austria pagkatapos sumadsad ang Beermen sa Meralco 93-85 sa unang laro nila sa PBA Commissioner’s Cup Miyerkoles ng gabi sa MOA Arena.

Pagkatapos kumpletuhin ang four-peat sa nakaraang Philippine Cup, ngayon lang ulit sumalang ang SMB pero natisod sa umpisa ng title defense din sa midseason tournament.

Kontra Bolts, hindi pinagsabay-sabay ni Austria ang kanyang Big 3 na sina Troy Gillenwater, June Mar Fajardo at Standhardinger.

Tahimik ang debut ng No. 1 pick na si Standhardinger, nagsumite lang ng four points sa 2 of 5 shooting, may five rebounds at tig-two assists, steals at turnovers sa loob ng kulang 20 minutes.

Pero hindi nababahala rito si Austria, unang laro lang daw ito ng 6-foot-7 Fil-German at naga-adjust pa.

“Kita naman ‘yung energy niya eh, he’s a big help to the team,” dagdag ni Austria. “Nasa adjustment period siya eh, he’s trying to figure out what is good para sa team, what kind of help he has to provide but definitely makikita n’yo kung anong worth niya.”

Mahaba pa ang torneo para kay Austria, tiwala siyang makukuha rin ng Beermen ang ritmo sa katagalan. Sunod na asignatura ng SMB ang Rain or Shine sa Linggo sa Antipolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?