Austria, Grand Slam sa Coach of the Year award

Sharing is caring!

Hindi man naka-Grand Slam ngayong taon, nahablot naman ni San Miguel Coach Leo Austria ang kanyang ikatlong Coach of the Year Award na ibibigay ng PBA Press Corps sa 24th Awards Night sa Huwebes.

Sa pagkuha ng award sa tatlong sunod na taon, mapapasakamay ni Austria ang Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy na ipinangalan sa yumaong ‘Maestro’ ng coaching.

Ang 59-anyos na si Austria ang kauna-unahang coach na nakakuha ng award sapul nang magbigay ng award ang PBA Press Corps noong 1993.

Tinalo ni Austria si Barangay Ginebra cTim Cone, TnT Katropa Coach Nash Racela at Star Coach Chito Victolero.

Isa na si Austria sa pitong multiple winners ng award na kinabibilangan nina Chot Reyes, Cone (3), Yeng Guiao (2), Jong Uichico (2), Ryan Gregorio (2), at Ronquillo (2).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?