54

Aug 22, 2019 @ 23:51
By

Austria: Grand Slam ang target namin!

Asam ng San Miguel Beermen na masungkit ang Grand Slam sa PBA matapos koronahang mga kampeon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kontra Talk N Text.

“Yun na talaga (grand slam) ang target namin ngayon. Pipilitin talaga namin na manalo uli ng isa pang championship para maka-grand slam,” pahayag ni coach Leo Austria sa pagbisita nito sa 36th ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros nitong Huwebes.

“Wala nang dahilan para hindi mangarap nitong hinihiling sa atin ng karamihan, especially fans ng San Miguel Beer pati na ng management, kundi ang Grand Slam. Malaking karangalan ito para sa aming lahat,” saad pa ni coach Austria sa weekly session n aka-partner ang Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

“This will be our legacy,” sabi pa nito na unang namuno sa San Miguel taong 2014.

Ngunit giit ni coach Austria na hindi madali ang kanilang kahaharapin upang masungkit ang Grand Slam.

Paliwanag ng three-time Baby Dalupan “Coach of the Year” awardee, mahirap pero kakayanin nila.

“Gaya nga ng lagi kong sinasabi, hindi madali ito. We have to take it one game at a time. A lot of teams are very and they will surely try to stop us to complete the grand slam,” aniya.

“But I keep on telling them na it will require a lot of hard work going to next championship simply because every team in PBA is trying to beat us and to block us in getting this historical event in our team,” sambit ni coach Austria sa sports session na napanood sa Facebook live via Glitter Livestream.

Binahagi rin nito na lalahok ang San Miguel Beermen sa Terrific 12 East Asia Super League sa Macau sa Setyembre 17-22.

“Kasama na din ito sa gagawin naming paghahanda para sa PBA Governor’s Cup,” detalye ni coach Austria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?