24
Pulis-QC swak sa 'Love Triangle'
By

Australyano nasakote sa drug bust

Naaresto ang isang Australian national at anim pang drug personalities sa ikinasang drug bust sa South Daang Bakal sa Mabalacat City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina George Georgeff, 38, isang Australian; Roque Rosielda, 50; Arnold Padilla, 25; Emmanuel Gaddi, 39; Roland Geraldo, 29; Norman Rivera, 18; at Raddy Tabuso, 46, kapwa mga residente ng Mabalacat City.

Nadakip si Georgeff sa loob ng drug den na pag-aari umano ni Rosielda.

Nakumpiska sa mga naaresto ang 11 piraso ng sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000; mga drug paraphernalia at drug bust money.

Nakakulong na sila sa PDEA Jail Facility sa Diosdado Macapagal Government Center sa Barangay Maimpis, City, San Fernando.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?