jailed5
By

Australyano, hinatulan ng ‘habambuhay’ sa child sexual abuse

Sharing is caring!

Nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang Australyano kaugnay ng kaso nito na may kaugnayan sa pang-aabuso ng mga bata.

Maliban sa nabanggit na kaso, may kinakaharap pang second batch ng 60 kaso si Peter Scully kabilang na ang panggagahasa sa isang 18-buwan gulang na sanggol at pagpatay sa 12-anyos na batang babae.

Ayon sa report, sinabi ng prosecutors na kinakadena rin ng suspek ang mga biktima nito na parang aso.

Nasentensiyahan si Scully noong Miyerkoles dahil sa trafficking at rape, tatlong taon matapos itong maaresto kaugnay naman ng pang-aabusong seksuwal nito at pornography na pawang mga bata at sanggol ang biktima.

Ibinebenta umano ang videos sa mga kliyente nito sa Germany, United States at Brazil.

Taong 2015 nang madakip ang suspek sa Malaybalay matapos nitong takasan ang kaso niyang fraud sa Australia noong 2011 at magtago sa bansa.

Pinatawan ng Cagayan de Oro si Scully at kinakasama nitong Pinay ng pagkakulong ng habambuhay na walang parole at pinagbabayad ng P5 milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?