43

Jul 30, 2021 @ 18:38
By

Australian nasungkit Olympic gold dahil sa condom

Hindi inaasahang naging “lucky charm” ng isang Australian canoeing legend ang condom upang wakasan ang siyam na taong pagkatigang sa Olympic gold medal sa Tokyo, Japan.

Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Jess Fox ang ilang pinagdaanan bago nasungkit ang una niyang Olympic gold medal sa women’s C1 canoe slalom at bronze sa canoe slalom K1 final.

Ipinakita niya sa video ang pagre-repair sa nasirang nguso ng kanyang kayak gamit ang condom.

“Bet you never knew condoms could be used for kayak repairs,” caption ni Fox.

Matatandaang naging tradisyon na sa Olympics ang pamimigay ng condom sa mga atleta “to promote a safe and healthy environment.”

Nakuha ni Fox ang Olympic gold nang magtala ng oras na 105.04. Tatlong segundo lamang siyang mas maaga sa karibal na si Mallory Franklin ng Britain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?