978

Apr 22, 2021 @ 11:57
By

Australian league coach natatakam kay Kai

Nakaabang na ang coach ng Adelaide 36ers sa pagdating ni Kai Sotto.

Ayon kay Conner Henry, matagal na sa kanilang radar si Sotto, at base sa nakita nilang talento ng 7-foot-3 Pinoy ay namangha na ang 36ers staff.

“You see Kai being 7-foot 3-inches tall, you’re immediately intrigued basketball wise. And when we saw initial film of him, the coaches and I were immediately excited,” saad ni Henry.

Ayon sa 36ers tactician, may skills si Kai na mahirap ituro sa isang basketbolista.

“When you see elite players already possess the really solid feel for the game, as coaches you get really excited,” aniya pa.

Siniguro din ni Henry na magiging matindi ang training ni Kai sa Australia para rin maabot ang target nitong makatungtong sa NBA.

“We really feel like we have an outstanding plan for him on the development side,” saad ng National Basketball League (NBL) tactician.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?