13

Australian archbishop, kulong sa pananahimik sa child abuse

Sharing is caring!

Hinatulan ang isang Australian archbishop at maaaring maharap sa pagkakakulong ng dalawang taon dahil umano sa hindi pag-aksiyon sa isang kaso ng child sex abuse.

Pinataw ni Magistrate Robert Stone ang parusa laban kay Archbishop of Adelaide Philip Wilson sa Newcastle Local Court, Sydney sa isang magistrate-only trial.

Nag-plead ng “not guilty” ang 67-anyos na si Wilson hinggil sa pagkakaroon niya ng kaalaman sa ginawa ng isang paring pedophile noong 1970s sa dalawang sakristan.

Ani Wilson, kilala umano niya ang isang dating altar boy noong assistant priest pa lang siya sa Hunter Valley region pero wala siyang alam na sinabihan siya ng bata hinggil sa pang-aabuso ng paring si James Fletcher noong 1976.

Napatunayang guilty noong 2004 si Fletcher sa nine counts ng child sexual abuse at namatay sa kulungan dahil sa stroke noong 2006.

Ayon naman sa dating altar boys, nagtiwala sila kay Wilson na may gagawin itong hakbang laban sa pari matapos nilang isumbong ito pero walang ginawa ang una.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?