1,005

Jun 15, 2020 @ 17:30
By

Australian actor hinatulan ng kamatayan sa China

Dating TV at stage actor ang lalaking Australian na sinentensiyahan ng kamatayan sa China.

Ayon sa ulat ng news.com.au., lumabas sa hit TV series na “Blue Heelers” si Karm Gillespie.

Nahaharap siya sa parusang firing squad matapos mabisto ang 7.5 kilong shabu sa kanyang luggage.

Noong nakaraang linggo ipinataw ng mga Chinese authority ang death sentence laban sa 56-anyos na dating aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?