11

Jan 25, 2021 @ 17:41
By

Australia gagamit ng Pfizer vaccine

Binigyan na ng Australia ng “provisional approval” ang paggamit ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Ang COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech ang kauna-unahang inaprubahan sa Australia, ayon sa Australia’s Therapeutic Goods Administration (TGA) sa CNN report.

Sabi ng TGA, pumasa ang bakuna sa “strict standards for safety, quality and efficacy” at ang “provisional approval” ay para sa 16-anyos pataas.

Ayon naman kay Health Minister Greg Hunt, sisimulan ang pagbabakuna sa Pebrero at 80,000 dose kada linggo.

Bumili na ang Australia ng 10 milyong dose ng Pfizer, sapat para mabakunahan ang may limang milyong katao sa bansa.

Nasa 25 milyon ang populasyon ng Australia.

Naantala ang kanilang Pfizer rollout dahil sa global supply issues.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?