21

Feb 20, 2021 @ 19:46
By

‘Auring’ magla-landfall sa Caraga

Tinatayang babagsak sa Caraga Region sa hapon o gabi ng Linggo, Pebrero 21 ang bagyong Auring.

Ayon sa Pagasa nitong Sabado, napanatili ni “Auring” ang lakas ng hangin na 75 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 90 kph.

Tatawid ito sa Visayas at Mimaropa hanggang Lunes.

“Auring is more likely to remain as a tropical storm until it makes landfall over Caraga. However, there is an increasing likelihood that the storm will weaken into a tropical depression before making landfall,” pahayag ng Pagasa.

Huling nakita ang sentro ni “Auring” sa east-southeast ng bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ilang lugar na sa Visayas ang inilagay sa Signal Number 1 kabilang ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Negros Oriental, Bohol at Siquijor.

Sa Martes inaasahang magiging low pressure area na lamang si “Auring” sa silangan ng Coron, Palawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?