6

By

Aurin pumoste ng career-high, Perpetual kumatok sa semifinals

Sharing is caring!

Standings W L

San Beda 14 1

Lyceum 14 2

Letran 12 4

Perpetual 11 5

St. Benilde 8 7

Arellano 5 10

Mapua 5 11

San Sebastian 4 12

EAC 4 13

JRU 2 14

Mga Laro sa Huwebes:

(FilOil Flying V Centre)

2:00 PM – LPU vs. CSB

4:00 PM – AU vs. CSB

Malaki pa rin ang pag-asa ng University of Perpetual Help System Dalta Altas na masungkit ang huling pwesto sa Final Four ng NCAA 94 nang pabagsakin ang Emilio Aguinaldo College Generals 81-67 nitong Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Bitbit na ngayon ng Altas ang 11-5 win-loss record at isang panalo na lang ay sigurado na ang Final Four stint ng host school.

“Medyo tight ‘yung mga bata dahil parang gusto pang pakalagan pero normally sa mga game na ganito, ‘yun mga inaasahan mong mangyari buti na lang nag-settle down ‘pag pasok namin,” wika ni Altas coach Frankie Lim.

Nanguna para sa Altas si Kim Aurin na pumoste na kanyang career-high performance na 26 puntos, limang rebounds at tatlong assists katuwang si Prince Eze na may 14 puntos at 16 na rebounds.

“Una nagpapasalamat ako sa teammate ta’s sa mga sumusuporta sa amin. Kailangan talaga naming manalo this game kasi ‘yung Benilde nga pwede pang humabol kaya ayun ang ginawa naming motivation para manalo,” sabi ni Aurin.

Naging mainit ang laro sa pagitan ng dalawang koponan noong unang half palang pero mas lalong uminit ito pagpasok ng huling minuto ng third quarter.

Aksidenteng tumama ang ulo ng foreign player ng Generals na si Hamadou Laminou matapos siyang ang maapakan ng ‘di sinasadya ni Jerome Pasia ng Altas.

Agad na nilapatan ng paunang lunas si Laminou at tuluyan ng hindi binabalik sa laro habang si Pasia naman ay napatalsik sa loob ng playing court matapos ang unsportmanlike foul kay Laminou.

Patuloy ang paglubog ng Generals at sila ngayon ang pangalawa sa kulelat na bitbit ang 4-13 na win-loss record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?