7

Jan 18, 2021 @ 15:40

‘Aubrey’ may mensahe kay ‘Boyet’

Ipinaabot ni Rita Daniela ang kanyang pagbati sa ika-28 na kaarawan ng kapwa niya artistang si Ken Chan sa pamamagitan ng pag-post ng litrato nito sa kanyang Instagram.


“I’m glad na kasama mo ang mga kababata mo ngayong bday mo.. tsaka may pang magazine pose ka na ready to shoot!” saad niya sa caption ng kanyang post.

“Alam kong happy ka sa bday mo, Chow! God bless u more hart hart,” dagdag pa niya.

Tumugon naman si Chan sa naturang post ng aktres.

“Sali ka sa amin ng mga kababata ko. Sabi nila sa akin may hawig ka din daw sa amin,” aniya

“[S]obrang happy ako Choy!!! Labyuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu,” dagdag pa nito.

Matatandaang gumanap ang dalawa bilang sina Aubrey at Boyet sa palabas na My Special Tatay noong 2018 na nagtapos noong 2019.

Gayunpaman, natapos man ang palabas ay nananatiling matalik na magkaibigan ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?