1,429
views

By

Atty. Oliver Lozano, pumanaw na sa heart attack

Sharing is caring!

Pumanaw na ang abogado at kilalang loyalista ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na si Atty Oliver Lozano.

Ayon sa misis ni Lozano na si ginang Norma, sumakabilang buhay ang kanyang mister sa edad na 78, 5:45 Huwebes ng umaga sa Capitol Medical Center dahil sa “massive heart attack”.

Una rito, sumailalim si Lozano sa angioplasty noong nakaraang march 22 sa Capitol Medical at naka-uwi na ng bahay nang magreklamo ito ng patuloy na panghihina.

Muling dinala si Lozano sa ospital pero hindi na ito naka-rekober.

Na-cremate na ang labi ni Lozano at kasalukuyang na sa chapel ng Mount Carmel.

Ililibing ang labi nito sa darating na araw ng Linggo sa Manila Memorial Park sa Marikina City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?