31

Jun 23, 2022 @ 12:56
By

Atty. Erro itinalagang OIC ng DAR hanggang Hunyo 30

Hinirang ng Malacañang si Atty. David Erro bilang Officer-in-Charge Secretary ng Department of Agrarian Reform (DAR) kapalit ni ni acting Secretary Bernie Cruz.

Si Erro ay nanumpa sa tungkulin bilang DAR OIC-Secretary matapos lumabas ang kanyang appointment noong June 20 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, at matatapos ang termino sa June 30, 2022.

Na-bypass ang appointment ni Cruz sa Commission on Appointments matapos mag-adjourn ang Kongreso nitong buwan.

Dahil dito, nagtalaga ang Malacanang ng OIC sa pamamagitan ni Atty. Erro para magtuloy-tuloy ang serbisyo ng ahensiya sa mamamayan.

Sa isang text message, sinabi ni Cruz na na-bypass sila ng Kongreso kaya kinakailangan magtalaga ng OIC sa DAR.

Mali aniya ang ulat na sinibak siya ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi proseso ito na dapat sundin ng Ehekutibo para hindi madiskaril ang operasyon ng ahensya.

“Hindi naman po sinibak, by operation of law po parang bypass kami after ng “sine dye ” ng Congress. They need to appoint a replacement and Usec. Erro is the head of Transition Committee kaya nilagay na rin po siya na OIC,” ani Cruz.

Si Cruz ay hinirang bilang acting DAR Secretary noong Nobyembre 2021 matapos magbitiw si dating Secretary John Castriciones sa kanyang puwesto para tumakbo sa Senado.

Balik sa pagiging Undersecretary si Cruz sa DAR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?