130

Jan 24, 2018 @ 21:54
By

Atty. Divina: Malinis ang aking konsensiya

Pumalag si University of Sto.Tomas Civil Law Dean Nilo Divina sa rekomendasyon ng dalawang komite ng Senado na patanggalan siya ng lisensya bilang abogado nang dahil sa pagkasawi ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity hazing.

Mariing sinabi ni Divina na wala siyang ginawang mali at ginawa pa niyang lahat ng makakaya para masawata ang fraternity hazing habang dekano siya sa UST.

“My conscience is clear. I did not do anything wrong, illegal or unethical. I did all I could have done under the circumstances to prevent incidents of hazing from happening during my watch as Dean of the UST Faculty of Civil Law,” diin nito.

Sa report ng Senate committee on public order at Committee on justice and human rights, inirekumenda sa Supreme Court ang disciplinary o disbarment proceedings laban kay Divina, kasama ng mga abogadong kapwa nya myembro ng Aegis Juris fraternity na nagsabawatan umano para pagtakpan ang mga estudyanteng kasapi na nakapatay kay Atio sa hazing noong Setyembre 2017.

Sinabi sa report na nagsinungaling si Divina nung sinabi nitong nagbakasyon ito at dumistansya sa fraternity noong maging dekano sa UST dahil maraming litrato at testimonya na aktibo ito sa mga aktibidad ng Aegis Juris.

Ayon kay Divina, hindi man lamang pinakinggan ng mga senador ang kaniyang paliwanag na aniya ay “truth and nothing but the truth.”

Nakipagtulungan pa umano siya sa mga awtoridad para makumbinsi ang mga suspek para sumuko at dinaluhan niya ang lahat ng mga pagdinig ng Senado.

“It is clear that the Senate recommendation to file a disbarment case against the lawyers involved was hinged on the condition that said lawyers had knowledge of the incident and failed to report to the authorities. Without such knowledge and having consistently cooperated with the authorities, I completely trust that I will not be unfairly dragged into any such case,” pahayag ni Divina. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?