28
Abante-TnT-Menardo-GuevarraAbante-TnT-Menardo-Guevarra
By

Attached agencies ng DOJ, pupulungin ni Sec. Guevarra

Sharing is caring!

Matapos makipagpulong sa mga opisyal ng Department of Justice (DOJ), sunod namang pupulungin ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang mga opisyal ng sampung attached agency ng kagawaran.

Ayon kay DOJ Undersecretary Erickson Balmes, partikular na pupulungin ni Guevarra ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor), Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation, Parole and Probation Administration, Presidential Commission on Good Government, Public Attorney’s Office, Office for Alternative Dispute Resolution, Office of the Government Corporate Counsel, Office of the Solicitor General, at Land Registration Authority.

Pero sa kaso ng BuCor, hindi pa nakakaupo sa kanyang puwesto si outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa.

Dahil dito, posibleng sa susunod na linggo na umano pulungin ni Guevarra si dela Rosa.

“Secretary Guevarra might meet with General Dela Rosa next week but that is if he has already assumed the BuCor post, otherwise the Secretary might still be meeting with the officer-in-charge of the BuCor (Valfrie Tabian),” saad ni Balmes.

Noong nakalipas na linggo, una nang pinulong ni Guevarra ang mga opisyal ng National Prosecution Service, Office of Cybercrime, Witness Protection Program, at iba pang tanggapan sa DOJ Compound sa Padre Faura sa Lungsod ng Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?