1,603
Atribida! Oposisyong senadora binira ni Duterte
By

Atribida! Oposisyong senadora binira ni Duterte

Nakatikim ng banat kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang senadora sa oposisyon na mainit sa kanyang kampanya sa iligal na droga.

Sa kanyang talumpati sa proclamation rally ng PDP-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan, sinabi ng Pangulo na masyadong nagmamagaling ang senadora na tila alam ang lahat gayong hindi naman ito abogado.

Mas mahalaga aniya sa oposisyon at sa human rights ang buhay ng drug pushers at drug addicts na mas maraming buhay ang sinira at pinolitika pa ang isyu.

Tinawag pa ng Pangulo na “atribida” ang oposisyong senadora na wala aniyang ginawa kundi mag-ingay basta makabanat lang sa administrasyon.

“Kayong mga p*t*ng-*na ang iniisip ninyo politika. Yan sa Senado. Walang ginawa kundi mag-human rights. Ganoon lang kataas ang IQ eh. Sabi ko nga bugok eh, lalo na yung mga babae, si atribida,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na puro arte lang ang mga kritiko pero wala namang ginawang maganda para sa mga Pilipino.

Idinamay na rin ng Pangulo sa binanatan ang mga makakaliwang grupo na wala namang nagawa at kontribusyon para sa mga mahihirap na Pilipino.

“Kaya ako passionate. Mahal ko ang mga kababayan ko. Maski ganito lang ako. Kayo puro arte lang diyan. Puro mga left-left. Anong ginawa ninyo? What have you done so far? Mayroon ba kayong kontribusyon? Wala!,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?