41

By

Atoy Co out bilang Mapua head coach

Sharing is caring!

Mukhang hindi na muling masisilayan ng NCAA ang tinaguriang ‘Fortune Cookie’ ng Philippine Basketball na si Atoy Co matapos nitong kumpiramahin na hindi na mare-renew ang kanyang kontrata sa Mapua University.

“Sa tingin ko, wala nang renewal ng contract. In short, wala na ako,” wika ni Co.

Si Co ang pangalawa sa pinakamatagal na naging coach sa NCAA, sunod kay Vergel Meneses ng Jose Rizal University.

Tinapos ng Cardinals ang season 94 ng NCAA na may 6-12 record sa ilalim ni Co habang noong 2015 at 2016 season naman nakasikwat ng Final Four spot ang tropa mula Intramuros.

Inamin din ni Co, na nirekomenda niya si assistant coach Randy Alcantara na pumalit sa kanya bilang coach ng Mapua.

“Bibigyan na si coach Randy (Alcantara) ng pagkakataon to handle the Mapua Cardinals,” sabi nito.

Wala pa ring pinal na pasya kung sino ang papalit kay Co maging ang team management ng Mapua ay hindi pa rin naglalabas ng pahayag tungkol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?