0
views

By

Atoy Co kuntento na sa panalo ng Mapua vs JRU

Sharing is caring!

Kung si Mapua University Cardinals head coach Atoy Co ang tatanungin, masaya siya sa naging performance ng kanyang tropa sa pagkakapanalo nito kontra sa Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers sa senior men’s basketball ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Nakasikwat ng unang panalo ang Cardinals sa liga matapos nilang pataubin sa Heavy Bombers, 72-60, Huwebes ng hapon sa Jose Rizal University Gym sa Mandaluyong.

Bagama’t maganda ang nilaro ng rookie players ng koponan na si Warren Bonifacio na may 10 puntos, siyam na rebounds at anim na assists at Eric Jabel naman ay may siyam na puntos, limang rebounds at dalawang steals, ay hindi aniya natuwa si Co sa performance ng dalawa.

“I’m not yet satisfied. They can play better than what they play today, pero si Eric [Jabel] he is good but Warren [Bonifacio] he can play better,” ani Co.

Inamin din ni Co na ayaw niyang magkaroon ng isang role player sa koponan na isang trabaho lang ang gagawin nito gaya ng pagdependsa, dapat alam aniya nito kung paano umiskor.

“Kasi wala naman talagang superstar na player diba? Lahat kami average lang yung player, then before I am tell them that you have to play as a team para manalo tayo,” saad ni Co.

Isang mahirap na pagsubok ang susunod na susuungin ng Mapua sa susunod nilang laban dahil makakaharap nila ang San Juan de Letran Knights.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?