728

Oct 21, 2019 @ 20:08
By

Atong sa relasyon kay Gretchen: Nakita ba nila kami magkapatong?

Purong negosyo lang ang namamagitan sa kanila ni Gretchen Barretto, ayon kay Atong Ang.

Ginawa ni Ang ang paglilinaw sa isang panayam sa kanya sa dzbb, kung saan sinabi niyang naging malapit siya kay Gretchen dahil business partners niya ito kasama si Tonyboy Cojuangco.

“Nagkaroon kami ng mga joint venture. Magkakasosyo kami. Nag-invest si Gretchen sa amin, doon sa negosyo namin. Naging close si Gretchen sa family ko. Naging close sa asawa ko, sa lahat. So, kung nakikita man kami ng mga tao, na magkakasama, sa sabungan o sa casino, ‘yun ang ininterpret nila e. Conclusion lang nila ‘yun. Kini-clear ko lang na kung ano man ang iniisip nila, sarili na lang nilang isip ‘yon. Magkakasama kami as family,” ani Ang.

Pinabulaanan din niya na naging girlfriend niya sinuman kina Nicole, Gretchen o Claudine.

“Masasabi mo lang na girlfriend kapag inamin mong nakapatong ka na diyan. Bakit ko naman aaminin na ganoon. May nakakita ba? Walang ganoon. Totally, dine-deny ko talaga ‘yan kasi happy ako sa pamilya ko, sa asawa ko,” saad niya.

“Kung magkasama man kami e may negosyo nga kami. Hindi naman kami nakikita sa motel, lagi kami nakikita sa casino,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng gulo, patuloy pa rin, ani Ang, ang relasyon niya sa mga Barretto.

Magugunitang binunyag ni Nicole na inagaw ni Gretchen sa kanya si Ang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?