40
views
atong-ang

Atong Ang nahaharap sa posibleng tax evasion case

Sharing is caring!

Sinisiyasat na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang records ni Filipino-Chinese businessman Charlie “Atong” Ang at kanyang kumpanya na Meridien Vista Gaming Corp. (MVGC) para sa posibleng paghahain ng kason tax evasion sa kanya sa Department of Justice (DOJ).
“We are still looking at the records if there is basis for investigating him (formally for tax evasion),” pahayag ni BIR Commissioner Caesar Dulay sa mga reporters.
Subalit nilinaw ni Dulay na ang imbestigasyon ay nasa preliminary stage pa lang at hindi inilalabas ang anumang detalye para hindi makaapekto  sa kanilang pagsisiyasat.
Noong Mayo ng nagdaang taon, hiniling ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa BIR na imbestigahan ang kumpanya ni Ang dahil sa posibleng paglabag nito sa tax code.
Sa panahong nabanggit, kumikita umano si Ang ng P50 milyon bawat araw.
Ginawa ni Aguirre ang request matapos siyang akusahan ni Ang sa planong paglikida sa gambling lord.
Kasabwat umano ng kalihim si National Security Adviser Hermogenes Esperon. Ang dalawa ay inakusahan ni Ang na sangkot sa Small Town Lottery (STL) o­perations.
Si Ang din umano ang nasa likod ng gulo ngayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos na maluklok na board member ang kaibigan na si Sandra Cam.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,