160

Oct 8, 2017 @ 13:50

Atom Araullo, walang bitterness sa paglayas sa ABS-CBN

Lumarga na ang broadcast journalist na si Atom Araullo sa paggawa ng una niyang documentary, ang Philippine Seas, na mapapanood sa Nobyembre 5, 5:30 PM sa GMA 7.

Binisita niya ang mga dolphin sa Bais, Negros Occidental, ang libu-libong sardinas sa Moalboal, Cebu; ang isla ng Palawan kung saan hinanap niya ang maalamat at mailap na dugong sa Coron; at ang Sarangani sa Mindanao kasama ang mangingisda ng tuna.

Humarap si Atom sa press matapos niyang lumayas sa Channel 2 at bumalik sa Kapuso Network kung saan siya nagsimula.

Sino ang unang lumapit sa GMA para bumalik siya? Hindi ba siya pinigilan ng inalisang network?

“Who approached who? I think we met in the middle. Ha! Ha! Ha! What is the next question?

“Ahhh, mahabang talakayan ‘yon. Sa simula naging transparent, naging bukas naman sa mga nangyayari. Sa bagong opportunities na dumarating at ‘yun naman ang mahalaga. Na hindi naliilimutan tumunaw ng utang na loob at maging bukas at maliwanag sa gusto mong mangyari at sa mga intention.

“Kung hindi mag-work out ang usapan, wala namang kailangang magalit o malungkot sa nangyari. It’s just a fact of life. Sometimes there are differences in our approach, our priorities,” rason ni Atom.

Nagkaroon ba ng counter offer ang kabila?

“Hindi ko na kayang i-discuss ‘yon! Ha! Ha! Ha! Baka I’m not the best person to ask,” iwas ng broadcast journalist. Dagdag niya, walang away at bitterness na naganap.

Ano naramdaman niya sa mainit na pagtanggap sa kanyang muli ng GMA na naglabas ng teaser, then big reveal at exclusive interview sa Kapuso Mo Jessica Soho?

“Obviously, I’m very flattered, very honored that they would go out of their way to produce this welcome for me. And the same time, it’s also unusual, I guess. Bilang isang reporter din, usually ang kamera, nakatapat in that direction, not towards you so when you get that some kind of attention, I’m not used to it.

“Pero then again, I’m just happy that people are interested to talk about it. But again, I have to prove that I’m worth the hype or this kind of attention!” paliwanag ni Atom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?