42

By

Atom Araullo nakakatakot ang karanasan sa Dhaka

Sharing is caring!

Sumabak na nga si Atom Araullo sa kanyang unang documentary sa ‘I-Witness’ ng GMA 7, at aalamin nga niya ngayon (Dec. 2) ang kuwento ng mga Rohingya na itinuturing ng United Nations na ‘most persecuted minority’ sa buong mundo.

Sa mga nakaraang taon, lumaganap ang pag-aaklas sa hilagang bahagi ng Myanmar.

Nagpatuloy ang girian sa pagitan ng nakararaming Buddhist Burmese at ang maliit na grupong Muslim na Rohingya. Dahil dito puwersahang lumikas ang libu-libong Rohingya sa katabing bansang Bangladesh.

Ayon sa United Nations, ang ilang dekadang pang-aabuso at pagmamalabis ng mga militar sa Myanmar ay masasabing isang uri ng ‘ethnic cleansing’. Malinaw ang pahayag ng pamahalaan ng Myanmar patungkol sa mga Rohingya na sila ay mga dayo habang ang Bangladesh naman na kumupkop sa kanila ay immigrant naman ang turing at anumang oras ay maaari silang pabalikin sa kanilang pinanggalingan.

Si Atom, na isa ring United Nations High Commissioner for Refugees advocate, ay tumungo sa Dhaka, ang kabisera ng Bangladesh. Nakilala niya roon ang mga Pilipinong naghahanda ng mga relief goods na ipapamahagi sa mga Rohingyang nasa pinakamalaking refugee camp sa katimugang bahagi ng bansa.

Humigit-kumulang 18 oras bumiyahe ang grupo pero naging peligroso at hindi malilimutan ang kanilang paglalakbay.

Samahan si Atom sa kanyang paglalakbay na ito bilang bahagi pa rin ng 18th anniversary series ng ‘I-Witness’ ngayong Sabado pagkatapos ng ‘Celebrity Bluff’ sa GMA-7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?