52

Jul 5, 2022 @ 15:47
By

Ato Ular panggulat ng Blackwater Bossing

Marami ang nagugulantang sa pinapakita ng Blackwater Bossing sa PBA Philippine Cup.

Matatandaang noong nakaraang taon ay umukit ng kasaysayan ang Bossing sa pinakamahabang losing streak sa PBA. Ngunit ngayong season, pangatlo sa standings ang Blackwater sa kanilang 4-1 kartada.

Isa sa mga panggulat ng Blackwater ay ang rookie na si Ato Ular.

Sa kanilang huling panalo kontra Meralco, naghalimaw si Ular sa kanyang 19 points at 15 rebounds. Kaya naman, siya ang tinanghal na PBA Player of the Week para sa period na Hunyo 29 hanggang Hulyo 2.

Si Ular ay hindi kilala ng marami at naging 13th overall pick sa 2022 draft.

“Lagi kong pinaghahandaan kapag may game. Sobrang aga ko lagi sa court, nagsho-shooting at nag gi-gym. Pinaghahandaan ko lagi. Kung pinaghahandaan man ako, mas pinaghahandaan ko sila,” wika ni Ular.

Si Ular ang unang player ng Blackwater na naging Player of the Week mula noong ginawaran si Ray Parks ng nasabing parangal noong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?