297

Nov 13, 2019 @ 19:22
By

ATM sumabog, nagpaulan ng pera

Kumalat sa kalsada ang bulto-bultong pera matapos sumabog ang isang automated teller machine (ATM).

Sabi sa Straits Times, isang lalaki ang nakitang palayo sa kinalalagyan ng ATM sa Nottinghamshire, England noong Nov. 5 ilang minuto bago naganap ang pagsabog.

Agad namang rumesponde ang mga pulis matapos makatanggap ng report tungkol sa malakas na pagsabog malapit sa isang convenience store sa Kimberley.

Isang witness ang nagsabi sa BBC na dahil sa pagsabog umulan ng pera sa kanilang lugar.

Nag-deploy naman ng bomb disposal squad sa crime scene kung saan kinolekta nila ang mga naiwan na lang na pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?