44

Oct 16, 2021 @ 21:21
By

ATM sa Nueva Ecija natangayan ng P5M

Binutasan ng mga kawatan ang isang automated teller machine sa Gapan City, Nueva Ecija at nakakuha ng mahigit P5 milyon mula rito.

Ayon sa ulat ng 24 Oras ngayong Sabado, sa loob ng isang mall sa nasabing siyudad nakalagay ang nasabing ATM.

Nataon daw na may ginagawa sa mall kaya nabutasan ng mga magnanakaw ang pader nito at pagkatapos ay ang ATM naman ang binutasan para makuha ang malaking kwarta.

“May construction na ginagawa doon, at may bantay doon,” pahayag ni Police Provincial Director Colonel Rhoderick Campo. “May anggulo po tayong tinitingnan na inside job.”

Iniimbestigahan na ang mga posibleng suspek sa krimen at lima katao na ang itinuturing na person of interest.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?