12

Jun 12, 2021 @ 15:47
By

Atletang ‘Pinoy sa Olympics, 11 na

Nadagdagan ang mga atletang Pinoy na sasabak sa 2020 Tokyo Olympics sa Hulyo.

Ito ay matapos dumagdag ang weightlifter na si Elreen Ando sa mga sasabak sa nabanggit na torneo, base sa listahang inilabas ng International Weightlifting Federation nitong Sabado.

Ayon sa listahan, nakaipon si Ando ng 2634.9334 points, na siyang pang-12 sa kanyang dibisyon.

Isa sa huling sinalihan ni Ando ay ang Asian Weightlifting Championships kung saan nakapag uwi siya ng dalawang pilak at isang tansong medalya.

Dahil kay Ando ay dalawa na ang pambato ng Pilipinas sa weightlifting sa Olympics. Ang isa ay si 2016 Olympics silver medallist Hidilyn Diaz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?