12

Oct 11, 2021 @ 18:19
By

Atleta ng UAAP, NCAA patuturukan ng CHED

Target ng Commission on Higher Education (CHED) na mabakunahan ang nasa 300 student-athlete sa Metro Manila sa susunod na linggo.

“Sa susunod na linggo, magbabakuna tayo ng 300 student-athletes (na gaganapin) sa UP College of Human Kinetics,” pahayag ni CHED chairperson Prospero de Vera ngayong Lunes.

Ang prayoridad sa turukan ay mga atleta ng UAAP at NCAA.

“This is to highlight the urgency of vaccination and to encourage all education personnel and students to immediately get vaccinated,” wika pa ni de Vera.

Bahagi ito ng kanilang target na manumbalik ang face-to-face classes sa mga unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Tumulak kahit virtual ang season ng NCAA nitong Hunyo samantalang patuloy na nakagarahe ang UAAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?