7

Sep 27, 2020 @ 9:30
By

Atleta hinayaang malampasan siya ng kalaban, nanalo rin

Puring-puri ang isang 21-anyos na Spanish runner matapos huminto sa dulo ng karera para paunahing lumampas sa finish line ang kalaban niya na namali ng pinuntahan sa ruta.

Makikita sa dulong bahagi ng Santander Triathlon, Setyembre 13, na nangunguna si Britain’s James Teagle kay Diego Méntrida, kaso nalito ang una nang makita ang pulang banner at inakala na doon ang finish line.

Dahil dito, naunahan ni Méntrida si Teagle sa kurbada, pero lingon nang lingon ang Spanish sa British triathlete.

Isang hakbang na lang sana at makakamit na ni Méntrida ang third place, pero huminto siya at hinayaang mauna ang humabol na si Teagle.

Kinamayan ng Briton ang Spaniard at lumampas na sa finish line.

“Seeing how he was wrong, unconsciously I stopped. He deserved it. When I saw that he had missed the route, I just stopped. James deserved this medal,” sabi ni Diego sa Eurosport.

Nagpasalamat din ang Spanish triathlete sa mga natanggap niyang papuri sa social media, kabilang na ang napaiyak na American actor na si Will Smith.

“I wanted to thank all of you who are writing and giving me support after the gesture in the Santader Triathlon. This is something my parents and my club @triatlonecosport have taught me since I was little,” sambit ni Méntrida sa Spanish, sa kanyang Instagram account.

“In my opinion, it should be considered as a normal situation. I never thought that something like this would go so far and be echoed in so many media. But it is a pride to receive so much affection,” aniya pa.

Dahil sa ginawa ni Diego, nagpasya ang race organizers na gawaran siya ng honorary third place at ng $350 (P16,969) prize.

“These gestures are what make organizing these events worth it. Congratulations, Diego,” ayon pa sa race organizers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: