0
views

By

Atio Castillo dapat huling hazing victim na – Lacson, Zubiri

Sharing is caring!

Inaasahan ng mga senador na huling biktima na ng hazing si Horacio “Atio” Castillo III.

Ito ay sa pagsasabatas ng pinalakas na Anti Hazing Law o Republic Act 11053 na nilagdaan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senado Panfilo Lacson, main author at sponsor ng batas, kailangan nang matigil ang hazing at maipaintindi na hindi para sa pagpapalakas ng kapatiran ang hazing , wala ritong dignidad at respeto kundi isa lamang itong paraan ng pag-abuso at karahasan.

Sinabi naman ni Senador Juan Miguel Zubiri na nagsulong ng Senate investigation sa sinapit ni Castillo, hindi na maibabalik ng pinalakas na batas kontra hazing ang buhay ng dating UST law student.

Pero magbibigay na umano ito ng hustisya kay Castillo at sa kaniyang pamilya at inaasahang magpapahinto sa karahasan sa initiation rites ng mga fraternity.

Sa bagong batas, bawal na ang lahat ng uri ng hazing na tumutukoy sa physica at psychological na pagpapahirap sa neophytes sa fraternity, sorrorities, school organizations pati na sa mga samahan sa komunidad, sa mga pribadong negosyo, sa mga uniformed service learning institutions.

Hanggang reclusion perpetua at tatlong milyong piso ang parusa sa mapapatunayang guilty sa hazing samantalang anum na buwan hanggang anim na taong pagkakabilanggo ang parusa sa gagamit ng intimidasyon at pananakot para makapag recruit ng isasali sa anumang samahan.

May parusa rin sa magco cover up sa hazing at tatanggalan ng lisensya kapag abogado o anuman ang propesyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?