71

Nov 26, 2021 @ 14:15
By

Atin ang Pag-asa! Pananakot ng China sa WPS kinondena ni Lacson

Atin ang Pag-asa Island na parte ng Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea – at kailangang gumawa ng hakbang ang gobyerno para malabanan ang bullying na ginagawa ng China sa lugar.

Ito ang laman ng Senate Resolution 954 na inihain ni Senador Ping Lacson matapos ang kanyang pagbisita sa Pag-asa Island sa kanyang kapasidad bilang pinuno ng Senate Committee on National Defense and Security noong Nov. 20.

“Be it resolved, as it is hereby resolved by the Senate, to condemn the continued presence and hostile acts of Chinese Maritime Vessels within our EEZ and urge the government to fortify, amplify and enhance our positions in the West Philippine Sea thru defense and security agreements with other nations, and by consistently invoking and protecting our internationally recognized rights through continuing diplomatic dialogue with nations of mutual/common interests in the West Philippine Sea,” sabi ni Lacson sa kanyang resolusyon.

Nanawagan din ang senador para sa isang komprehensibong development plan kung saan kasama ang mga kongkretong proyekto para mapaganda ang buhay at masiguro ang pagdadala ng serbisyong publiko sa lugar.

“Resolved further, that in pursuit of sending a stronger message of assertion that Pag-asa Island is ours, a comprehensive Development Plan must be crafted laying-out concrete projects, programs and activities aimed at improving the quality of life and efficient delivery of public services therein,” aniya.

Sa kanyang resolusyon, ibinahagi ni Lacson na ang Pag-asa Island, na bagama’t isang munisipalidad sa Palawan na binigyang bisa ng Presidential Decree 1596 noong June 11, 1978 – ay napaliligiran ng Chinese maritime vessels sa kabila ng ating paulit ulit na diplomatic protests.

Babala rin ni Lacson na kung magpapatuloy ang ganitong gawain ng China, “they may constitute clear and present danger not only to our national interest and territorial integrity but also to the peace and stability of the entire Asia Pacific Region.”

Sabi pa nito, noong 1995 ay inangkin din ng China ang Panganiban (Mischief) Reef at ginawa nila itong 550-hectare air and naval outpost na maaaring mag deploy ng military assets at magsagawa ng surveillance sa West Philippine Sea.

Noong 2012, binalewala ng China ang kasunduan para matigil na sana ang gusot sa Panatag Shoal sa pamamagitan ng hindi pag-alis sa lugar. Sa halip ay nagpatayo sila ng mga harang para hindi magkaroon ng access dito ang Pilipinas.

Hindi rin tinatanggap ng China ang pagkapanalo ng ating bansa sa arbitral tribunal noong 2016 at patuloy na inookupa at kinukuha ang ating resources sa lugar. (Dindo Matining)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?