25

Oct 21, 2021 @ 21:10
By

Atienza suportado lipat Siyete ni Kuya Kim

Suportado ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza ang paglipat sa Kapuso Network ng anak niyang si Kuya Kim.

Sinabi ni Atienza, humingi sa kanya ng payo ang anak tungkol sa gagawin nitong career move.

“‘Sa ABS-CBN binigay ko ang lahat ng aking panahon. Hindi ko sila iniwanan sa gitna ng digmaan. I gave it all. ‘Yan ang pinag-aralan ko sa UP. Tama ba ‘yung ginawa ko?’” sabi raw ni Kuya Kim sa kanya.

Sinagot daw niya ang anak ng: “Sundin mo ang iyong konsensiya. Kaya I support you.”

Dinepensahan din niya ang anak laban sa mga batikos.

“Kung si Kim umalis sa gitna ng giyera, ang tawag doon deserter. Pero lumaban si Kim,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?