285

Oct 19, 2021 @ 18:47
By

Atienza sa kapwa kandidato: Huwag magpanggap tungkol sa mga Marcos

Pinagsabihan ni vice presidential bet Lito Atienza ang mga kapwa kandidato na huwag magbalatkayo at ipakita ang tunay na pananaw tungkol sa mga Marcos.

“You either like Marcos, or you don’t like Marcos,” saad ni Atienza sa panayam sa CNN Philippines.

“Humarap tayo sa bayan na may totoong appearance, hindi ‘yung nagbabalatkayo tayo, nagsusuot kayo ng ibang kulay,” patuloy ni Atienza, na running mate ni Senador Manny Pacquiao.

“You state your piece and your own personal knowledge, and let people decide come election time,” dagdag niya.

Para naman kay Atienza, hangga’t hindi inaamin ng mga Marcos ang nangyari sa Martial Law ay ayaw niya itong bumalik sa Palasyo.

“I don’t want them back in Malacañang, without even admitting ‘hindi ko na gagawin ‘yung nangyari noong Martial Law.’ Sabihin n’yo ’yan, then you are qualified once again,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?