2,475

Oct 16, 2021 @ 13:36
By

Atienza kay BBM: Mag-sorry ka muna bago tumakbo

Dapat humingi muna ng paumanhin si dating senador Bongbong Marcos sa mga nangyari noong Martial Law bago ito kumandidato sa pagka-pangulo, ayon sa ka-tandem ni Manny Pacquiao na si Lito Atienza.

Ani Atienza, maraming nagdusa noong Martial Law at maging siya ay ikinulong nang walang dahilan.

“Ako, kinulong ako nang walang dahilan eh dahil lamang ako’y hindi sang-ayon sa mga nangyayari noong panahong ‘yun at ako’y nagsasalita, bigla na lang akong kinulong, tama ba ‘yun?” saad ni Atienza sa panayam sa One PH.

“Humingi muna ng dispensa. Paumanhin itong si Senador Bongbong bago siya kumandidato sa pagka-pangulo. Otherwise, why should we even forget and forgive when you are not saying ‘I’m sorry’,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?