52
lito-atienza
By

Atienza kakasahan si Erap sa mayoralty race sa Maynila sa 2019

Sharing is caring!

Ikinukonsidera ni BUHAY partylist Rep. Lito Atienza na muling sumabak sa mayoralty race sa Maynila sa darating na 2019 elections.

Ito ayon kay Atienza ay kung wala siyang makikitang pagbabago sa lungsod sa ilalim ng termino ni dating pangulong Joseph “Erap” Estrada.

“Kapag si Mayor Erap ay talagang mabago niya ang takbo ng panahon ng kanyang administrasyon, e ‘di magpatuloy na lang siya. Ako ay magpapatuloy na lang sa Kongreso,” sabi ni Atienza.

“Pero kapag hindi siya nagbago, ang baho-baho ng Maynila, ang baha dito sa mga daan, kapag hindi nabago ito, tutugon ako doon sa panawagan ng marami: “Congressman, tumakbo ka ulit, sayo kami,” dagdag ng kongresista.

Tatlong terminong nagsilbi si Atienza bilang alkalde ng Maynila mula 1998 hanggang 2007 bago naitalagang DENR secretary noong panahon ng administrasyong Arroyo.

Sinubukan nitong maging mayor ulit noong 2010 pero tinalo siya ni dating DILG secretary at senador Alfredo Lim.

Natalo naman ni Erap si Lim noong 2013 habang si Atienza ay nanalong kinatawan ng BUHAY partylist sa Kongreso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?