75

Nov 22, 2021 @ 19:00
By

Atienza hindi nangangatog kay Mayor Sara

Inihayag ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na hindi siya natatakot na makakabangga niya sa vice presidential race si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

“Goliath siya ngayon. Malalaki sila, pero hindi ako natatakot,” pahayag ni Atienza sa online edition ng “Pandesal Forum”.

“Kung gugustuhin ng Panginoong Diyos na manalo ako, gigisingin ng Panginoong Diyos ang tao para iboto ako,” patuloy niya.

Si Atienza, na dati ring mayor ng Maynila, ay ka-tandem ni Senador Manny Pacquiao sa Halalan 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?