83

Jul 29, 2018 @ 13:10
By

Atienza: Hayaang magtrabaho si Ombudsman Martires

Nanawagan si Buhay partylist Rep. Lito Atienza sa mga kritiko na maging maluwag sa bagong-talagang si Ombudsman Samuel Martires.

Sabi ni Atienza, mabigat ang misyon ni Martires kaya naman dapat pabayaan muna itong magtrabaho.

“Our impression of the new Ombudsman is that he is a fair-minded person who will uphold the law without bias or prejudice,” ani Atienza.

Naniniwala ang kongresista na gagawin ni Martires ang tama at nararapat gaya nang hinihingi sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“But of course we are also aware that, as Albert Einstein put it, what is right is not always popular and what is popular is not always right,” ayon kay Atienza.

Una rito, umani ng batikos si Martires nang maging nominado sa posisyon ng Ombudsman dahil sa umano’y hindi pagiging patas sa mga naging desisyon noong mahistrado pa ito ng Sandiganbayan at Korte Suprema.

Tungkulin ng Ombudsman na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa mga reklamo laban sa sinumang opisyal, empleyado at opisina o ahensya ng gobyerno na may ginawang mali, iligal, hindi makatuwiran o kapalpakan.

Base sa records ng Kongreso, binanggit ni Atienza na nasa 9,000 ang mga bagong criminal at administrative complaints na naihahain sa Office of the Ombudsman kada taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?