408
lito-atienza
By

Atienza, bilib sa pagso-sorry ni Duterte sa Hongkong

Sharing is caring!

Hinangaan ni Deputy Minority Leader at Buhay partylist Rep. Lito Atienza ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na humingi ng paumnahin para sa madugong hostage-taking incident sa Maynila noong August 2010 na ikinasawi ng 8 Hongkong nationals.

“This shows statesmanship of the highest caliber,” ani Atienza.

Ayon kay Atienza, walong taong nagdusa ang mga Pilipinong naninirahan o nagta-trabaho sa Hongkong dahil sa umasim na relasyon ng Pilipinas at Hongkong kasunod ng naturang pangyayari.

Sabi ng kongresista, puwede naman sanang iwasan ang negatibong epekto ng nasabing insidente kung umamin kaagad ng pagkakamali sa palpak na operasyon ang mga opisyal noon.

“It takes much more than arrogant leadership to deal with the effects of such a high-profile incident which unfolded before world media,” pahayag ni Atienza.

“Eight years after it happened, the Hongkong community witnessed firsthand the practical and sensitive leadership of someone like President Duterte – who apologized in behalf of the Philippine government. As witnessed by thousands of Overseas Filipino Workers (OFWs), everyone present was shedding tears,” dagdag ng kongresista.

Pinuri ng mambabatas ang uri ng liderato ni Duterte na aniya’y magandang halimbawa at nararapat para sa mga Pilipino.

Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Hongkong, ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na walang naganap na pormal na apology noon si dating Pangulong Noynoy Aquino kaya siya na lamang ang humingi ng sorry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?