334

By

Ateneo vs UP frat war, hamon ng UP Regent member

Sharing is caring!

Nagmatapang ang isang University of the Philippines Regent member sa kanyang komento sa Facebook, na tila lumilihis na ng landas na dapat sana’y tungkol lang sa mundo ng basketball.

Sa naging Facebook post ni Spocky Farolan, kanyang sinabi na may mai-injure umanong tatlong Atenean player at hindi makapaglalaro sa Game 2 ng finals series.

May isang Ahmed G Paglinawan na nag-comment na sinabing “ahem sounds like a job for the sigma rho”

Ilang sandali lang ay nag-react si Farolan na tila nag-uudyok na mag-away ang bawat frat ng dalawang eskuwelahan.

“Suggestion ko nga para sign of solidarity, a composite strike team of all UP frats. Tatlong players lang. Kaya na yon… Pwede rin na ALL UP FRATS vs ALL ATENEO FRATS sa Wedenesday. Old school suntukan lang. Walang gamit. Walang bodyguards. Good old barbaric stupid ignorant machismic hand-to-hand violence. Sa gitna mismo. Part ng half-time show. Pwede di ba?” saad nito.

Dahil dito, maraming mga netizen ang humihiling na mapatalsik na sa posisyon si Farolan, sinabing hindi ito nababagay bilang opisyal ng state university at sana’y magkaroon umano ng delicadeza para mag-resign.

“Dinadala mo pa naman ang UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES name, your such a shame!!” saad ni Chen Ho.

“Just resign, you dumb shit. Di kailangan ng UP ng tae. Wala kang dangal walang delicadeza walang class.” pakli naman ni Ralph Lorenz Fonte.

“Wow. Mag post ka ng ng katangahan na ganito tapos ngayon good vibes ang gusto mo? Hirap pag nauuna kahambugan ano?” ani naman ni Jose Carlos Rodriguez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }