73

Dec 16, 2017 @ 10:09

Ateneo-UST exhibition match sa PSL final, ‘di tuloy

Hindi matutuloy ang dapat sana’y exhibition match sa pagitan ng Ateneo Lady Eagles at University of Santo Tomas Tigresses na unang sultada at panahog sa pinale ng Philippine Super Liga (PSL) sa Mall of Asia Arena ngayong Sabado, Disyembre 16.

Ayon sa ipinalabas na pahayag ng organizers, sinabi ni PSL chairman Popoy Juico na ang ‘late announcement’ ng Ateneo ang dahilan ng kanselasyon ng laban na appetizer sana sa do-or-die Game 3 sa pagitan ng F2 Logistics-Petron.

Nilinaw naman ni Juico na pumayag ang Ateneo management na paglaruin ang Lady Eagles sa exhibition match bago nagbago ng isip.

Aniya, welcome pa rin naman ang Ateneo Volleyball Team sa paglalaro sa Philippine Superliga at sa lahat ng koponang gustong maging partner ng PSL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?